San Fernando, La Union – Aminado ang Commisssion on Higher Education (CHED) Region 1 na kung tuluyang tumalima ang mga pampubliko at pribadong kolehiyo at unibersidad sa pagtanggal ng asignaturang panitikan at filipino bilang parte ng core subject sa tertiary maaaring mawalan ng trabaho ang ilang mga guro.
Ngunit paglilinaw naman ng komisyon na possible namang magturo ng ibang subjects ang mga ito. Ayon kay Danilo Bose, Supervising Education Program Specialist ng CHED Region 1, may mga general education na maaring ituro o mapunta sila sa research bilang remedy sa mga gurong apektado ng nasabing kautusan.
Samantala sinabi ng CHED Region 1 na hindi nila nililimatahan ang academic freedom ng mga unibersidad at kolehiyo na i require ang karagdagang Filipino at Panitikan at ang konstitusyon sa kanilang curriculum. Sa ngayon wala pang mga institusyon sa rehiyon uno ang nagpapahiwatig ng pag-aalis ng mga nasabing asignatura sa kanilang curriculum ngayong school year 2018-2019.
Matatandaang katigan ng Korte Suprema ang Memorandum Order 20 ng CHED na nag-aalis sa mga nabanggit na asignatura bilang core subjects sa tertiary education.