Umabot na sa 19,680 ang bilang ng mga guro sa Ilocos Region ang fully vaccinated laban sa COVID-19 ayon sa Department of Education.
Wala pa ito sa 50% na target ng kagawaran na 51, 406 ng kanilang eligible population.
Ayon kay Dr. Romarie Joy Castillo, Medical Officer IV, education support service division ng DepEd Region 1, 5, 978 mula sa eligible population ang hindi pa nababakunahan.
Ilan sa mga rason ng mga ito ay dahil mayroon pa rin silang takot sa COVID-19 vaccine at patuloy na hinihintay ang kanilang preferred vaccine.
Dahil dito, patuloy ang isinasagawang kampaniya ng kagawaran upang hikayatin na magpabakuna ang mga guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon ukol sa COVID-19 vaccine at counselling.
Sinabi naman ni DepEd Regional Director Tolentino Aquino, ginagalang nito ang pasya ng mga DepEd personnel na ayaw magpabakuna at gagabayan pa rin sa kanilang trabaho sa ilalim ng pandemya.
Samantala, inaasahan na lalahok ang mga gurong hindi pa nabakunahan sa tatlong araw na Bayanihan Bakunahan. | ifmnews