Ilang historical landmarks sa loob ng Bilibid, nais gawing tourist spot ng Muntinlupa

Planong gawing tourist spot ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang ilang historical landmarks sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay City Mayor Ruffy Biazon, magpapalakas umano ng turismo sa kanilang siyudad bilang bahagi na rin ng economy recovery program nito.

Nais ng alkalde na samantalahin ang pagkakakilala ng tao sa Muntinlupa bilang tahanan ng Bilibid kung saan ang lugar ng kapayapaan at pagbabago.


Kabilang sa mga circuit tours na inaayos ngayon ng Muntinlupa sa NBP ay ang:
* Kiyosi Oshawa Shrine/Memorial for Peace Shrine
* Jamboree Lake
* Director’s Quarters
* Lethal injection and Death Chamber
* Japanese Cemetery
* Memorial Hill

Buo naman ang suporta ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. kay Muntinlupa City Mayor Biazon para buhayin ang ekonomiya ng lungsod sa pamamagitan ng turismo.

Bukod pa rito, nais ding isama ni Catapang sa nasabing proyekto ang monumento ni dating Pangulong Elpidio Quirino na itinayo bilang paalala sa leadership, humanity, at historical foresight nito.

Facebook Comments