Isinusulong na hatiin ang munisipalidad ng Wao sa Lanao del Sur, mariing kinontra ng isang mambabatas

Mariing tinutulan ni Lanao del Sur 1st District Representative Ziaur-Rahman Zia Alonto Adiong ang isinusulong ng Bangsamoro Transition Authority na hatiin ang munisipalidad ng Wao, Lanao del Sur.

Diin ni Adiong, siya at ang mamamayan ng Wao ay buong sumusuporta sa resolusyon ng Sangguniang Panglalawigan laban sa nasabing hakbang.

Katwiran ni Adiong, ang planong hatiin ang Wao ay paggiba ng pundasyon na matagal nang inilatag at pinatibay ng liderato at tao ng Wao na isa sa mga pinakamaunlad na lugar sa Lanao del Sur.


Ayon kay Adiong, malaki ang panganib na sa biglaang paghati ay masasayang lamang ang lahat ng pagod at pondo na inilaan para sa pag-unlad ng Bayan ng Wao.

Ipinunto rin ni Adiong na ang paghati sa Wao ay taliwas sa isinusulong na pagkakaisa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na siyang kailangan para sa pag-unlad ng bansa at mamamayan.

Facebook Comments