Ilang house speaker aspirants, nakapulong ni PRRD

Nakaharap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan ang ilang mambabatas na maglalaban-laban para maging susunod na house speaker.

Kabilang sa nakapulong ng Pangulo sina Marinduque Representative Lord Allan Velasco, incoming Leyte Representative Martin Romualdez at incoming Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano.

Ang pulong ay kinumpirma ni Senator-elect Christopher “Bong” Go kung saan nag-post pa ito ng larawan kasama ang Pangulo at ang mga nasabing mambabatas.


Sa isang text message, sinabi ni Go na bagaman hindi mangingialam ang Pangulo sumentro ang pulong sa usapin ng house speakership.

Mababatid na nasa Japan ang Pangulo para sa International Business Forum at para makapulong si Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Facebook Comments