Pictorial ng mga anak ni Nadine Samonte, hinangaan

Hinahangaan ngayon ng netizen si Nadine Samonte sa naging pictorial ng dalawa niyang anak.

Kapwa pinalibutan kasi ng mga syringe ang dalawang bata na nakahugis ng puso.

Ayon kay Nadine, ang nasabing mga syringe ang ginamit niya noong naggagamot siya para mabuhay ang kaniyang mga anak.


Mayroon kasi aniya siyang apas o antiphospholipid anti body syndrome polycystic ovary syndrome (PCOS).

Umabot raw ng 418 injection ang itinurok noon kay Nadine para sa kaniyang first born habang mahigit 200 naman sa kaniyang second child.

Sabi pa ni Nadine, akala niya ay hindi na sila magkaka-baby ng kaniyang mister dahiil sinabihan sila noon ng doctor na hindi sila maaaring magkaanak.

Facebook Comments