Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay FO1 Dennis John Deundo, tagapagsalita ng BFP Cauayan City, nagsagawa ng surprise inspection ang kanilang hanay sa itinalagang firecracker zone sa Lungsod kung saan nakakumpiska ang BFP Cauayan ng ilan sa mga ipinagbabawal na paputok tulad ng Five Star at Sinturon ni Hudas.
Tinatayang aabot sa halagang P10,000 ang mga nakumpiskang iligal na paputok sa designated firecracker zone.
Para hindi na magamit ang mga nakumpiskang illegal firecrackers, binasa ng tubig at sinira ito ng mga BFP Personnels bago nila ito i-dispose.
Ayon pa kay FO1 Deundo, posibleng hindi na mabibigyan ng permit ang mga vendors na nahulihan ng mga iligal na paputok para sa kanilang pagtitinda sa susunod na Disyembre.
Ikinasa ng nasabing ahensya ang biglaang pagbisita at inspeksyon sa bentahan ng mga paputok sa Lungsod para matiyak na ligtas at payapa ang pagsalubong ng taong 2022.