Ilang indibidwal na lumabag sa National Internal Revenue Code, ipinahaharap ng BIR sa DOJ

Manila, Philippines – Ipinagharap ng tax evasion case ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice ang ilang indibidwal dahil sa paglabag sa National Internal Revenue Code.

Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Marilyn San Luis, solong may-ari ng Aerostar Industrial Supply kung saan umaabot sa P3.62m ang kanyang tax liabilities para sa taong 2011.

Kaparehong paglabag din ang kinakaharap ng Chonta Industrial Packaging Inc. at Well-Pack Container Corporation at mga opisyal nitong sina Assistant Managing Director Arlyn A. Mazo at President Manuel Jamera (WCP).


Kapwa domestic corporations ang Chonta Industrial Packaging Inc. at Well-Pack Container Corporation.

Ayon sa BIR, umaabot sa P61.82M ang tax liabilities ng Chonta habang P56.03M na buwis naman ang hinahabol sa Well-Pack.

Ito na ang ika 25, 26 at 27 kaso ang naihain ng BIR sa ilalim ng kanilang Run After Tax Evaders (RATE) program.
DZXL558

Facebook Comments