Ilang indibidwal, sugatan matapos araruhin ng isang SUV sa Parañaque City

36

Ilang tao ang sugatan matapos na araruhin ng isang SUV sa brgy. San Antonio Valley 1 sa Parañaque City.

Sa imbestigasyon, hindi pa rin tukoy ang pagkakakilanlan ng driver ng SUV na may plate number na ZSN-979 kung saan ilang indibidwal ang nasagasaan nito kabilang na rin ang ilang estudyante na papasok sana sa eskwelahan.


Isang lalaki rin na nagbibisikleta ang pumailalim pa sa SUV at nagtulong-tulong ang ilang tambay at Parañaque City Risk Reduction Management Office para maialis ito saka isinugod sa ospital.

Kwento ng ilang saksi, sobrang bilis ng takbo ng SUV at hindi pa malinaw kung anong dahilan ng insidente.

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring inilalabas na listahan ng mga pangalan ng biktima ang pulisya maging ang eksaktong bilang nito at patuloy rin ang isinasagawa nilang imbestigasyon.

Facebook Comments

From Advertisers