Judy Ann Santos nakatakdang lumabas sa “Ang Probinsyano”

3249
Images via IG/officialjudayph | IG/_showb617_

Kumpirmadong balik-primetime si Judy Ann Santos dahil mapapanood na siya sa teleseryeng “Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sa Instagram post ni Biboy Arboleda, manager ni Coco, makikita ang mga larawan ng batikang aktres habang nasa taping ng sikat na soap-opera ng ABS-CBN.


Ibinahagi din ng social media team ni Juday ang litratong niyakap siya ni Coco nang dumating sa set.

 

View this post on Instagram

 

Good morning! On the set of FPJ AP! ❤️ Abangan!

A post shared by Official Juday PH (@officialjudayph) on

Ngayon pa lamang, inaabangan ng mga fans ang muling pagsabak ng “Teleserye Queen” sa drama. Ang ilan sa kanila, aminadong excited mapanood ang pagsasama nina Coco at Juday sa telebisyon.

Huling napanood si Juday sa pelikulang “Ang Dalawang Mrs. Reyes” noong Enero 2018 kasama si Angelica Panganiban. Matapos magtagumpay ang nasabing pelikula, tinuon niya ang pansin sa lifestyle at pagluluto sa mga nagdaang buwan.

Facebook Comments

From Advertisers