Cauayan City, Isabela-Papasinayaan ng Provincial Government ng Quirino ang ilang Tourism Infrastracture Projects ngayong buwan ng Enero partikular ang Quirino Sports at Festival Complex Accommodation, QWC Entrance Plaza, ang QWC Villas sa ilalim ng pagdiriwang 50th Founding Anniversary.
Pinangunahan ni Governor Dakila Carlo E. Cua, Hon. Marlo Guillermo, SP Chairman on Tourism, Environmental Protection, Housing and Land Utilization, Hon. Babylyn Reyes, SP, Chairman Committee on Education and Culture, Mr. Elmor Villaruel, Executive Assistant IV to the Governor, Architect Carlos Salvador, Provincial Engineering Office, Ms. Aurea Martinez, Chief Tourism Operations Officer, MS. Nelma Uao, Municipal Tourism Officer, Cabarroguis, at Ms. Emelie Cadiente, President, Cabarroguis Homestay Association.
Dumalo rin sa selebrasyon ang DPWH-Quirino partikular sina District Engineer Lorna B. Asuten, Marifel T. Andes, CSEE, at Assistant District Engineer Arnold A. Sabug.
Sa pamamagitan ng proyekto, umaasa na mapagtitibay pa ang industriya ng turismo sa probinsya matapos ilunsad ang Cacao Industry Integrated Project gayundin ang pagtitiyak ng gobyerno na tulungan ang mga Cacao farmers upang makagawa ng world-class quality Cacao products mula sa lalawigan.