Ilang insidente ng vote buying ngayong halalan, naitala ng PNP

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng ilang insidente ng vote buying sa iba’t ibang panig ng bansa ngayong kasagsagan ng halalan.

Sa Naic, Cavite arestado ang mag live-in partner matapos na makuhanan ng mga sobre na may lamang pera at sample ballot ng mga kandidato.

Dalawang indibidwal naman sa magkakahiwalay na lugar sa Cebu City ang naaresto dahil din sa pamimili ng boto. Ang unang naaresto ay ang 23-years old na babae na kinilalang si Levy Mae Arquillano na residente ng Barangay Sawang, Calero na umano’y supppoter ng isang local political party sa lungsod ng Cebu .


Isang concerned citizen ang tumawag sa Sawang Calero Police station upang ipaalam ang aktibidad ni Arquillano kung saan nakumpiska sa kanya ang ilang 100 peso bills at sample ballot ng mga kandidato.
Ilang sample ballot, pera at dalawang hindi lisensyadong baril naman ang nakumpiska sa isang lalaki sa COMELEC check point sa barangay Lusaran.

Sa ngayon ay mahigpit ang monitoring ng PNP sa vote buying. Sa isinagawang press conference kanina, sinabi ni PNP Officer-In-Charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. mayroon na silang ulat na mga kaso ng hinihinalang vote-buying sa ilang mga lalawigan at ang mga ito ay sumasailalim na ngayon sa masusing pagsisiyasat upang masampahan ng kaukulang kaso.

Simula noong Sabado, nakapagtala na ang Commission on Elections (COMELEC) ng sampung kaso ng vote-buying.

Facebook Comments