Ilang international at domestic flights ang naantala ang paglapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Complex matapos ang nangyaring excursion ng eroplano ng Cebu Pacific kaninang tanghali.
Kabilang sa mga naantala ang paglapag sa NAIA ay ang flight ng Philippine Airlines:
PR720 Manila – London
PR5682 Manila – Dammam
PR658 Manila – Dubai
PR684 Manila – Doha
Habang na-divert naman sa Clark International Airport ang ilang domestic flights ng PAL kabilang na ang mga sumusunod:
PR592 Saigon – Manila
PR2522 Cagayan de Oro – Manila
PR2142 Iloilo – Manila
Tiniyak naman ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesman Eric Apolonio na anumang sandali ay maiaalis na ang eroplano mula sa pagkakabalagbag sa runway ng eroplano ng CebuPac.
Ligtas naman na naibaba ang 42 na mga pasahero at crew ng eroplano na mula ng Naga, Camarines Sur.