Ilang istraktura at kalsada, napinsala rin ng lindol

Ilang kalsada at istraktura rin ang hindi nakaligtas sa magnitude 6.1 na lindol.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar – maliban sa Clark International Airport at isang supermarket sa bayan ng Porac, ilang kalsada rin at tulay ang naapektuhan din.

Kabilang na rito ang Lubao Road at Sasmuan-Lubao Bridge, Dinalupihan-Pampanga Boundary Arch, Megadike Access Roads sa Bacolor, Pampanga at Floridablanca Consuelo Bridge.


Sa Maynila, inabisuhan ang safety officer ng Emilio Aguinaldo College na hindi na gamitin ang isa nitong gusali na nakitaan din ng pinsala.

In-activate na ng DPWH ang lahat ng equipment at personnel mula Region 3, NCR, Region 4-A at kanilang corresponding district engineering offices para sa clearing at rescue operations.

Facebook Comments