Ilang istraktura sa Davao Airport, nakitaan ng bitak

Nakitaan ng bitak ang mga istraktura ng Davao Airport kasunod ng Magnitude 6.9 na Lindol.

Ayon sa Civil Aviation Authority of The Philippines (CAAP), wala silang nakitang sira sa Runway ng paliparan, pero mayroong mga structural damage.

Nagkaroon ng bitak sa sahig malapit sa Passenger Boarding Bridge #5 at International Baggage Buildup Area.


Tiniyak naman ni CAAP Spokesperson Eric Apolonio, normal pa rin ang operasyon ng paliparan.

Aabisuhan ang mga pasahero kung nagkaroon ng pagbabago flight schedules.

Samantala, wala namang naitalang pinsala nananatiling operational ang paliparan sa Mati, Tambler, Cotabato, Butuan, Laguindingan, Pagadian, Dipolog, at Zamboanga.

Facebook Comments