Dahil sa nagsulputang mga reklamo ng mga namamasahe at tricycle drivers sa Sangguniang Bayan ng Bayambang tungkol sa usapin ng Tricycle Fare Matrix, dininig sa huling pagkakataon ang mga hinaing at opinyon ng mga nagrereklamo.
Nabanggit ang ilang isyu gaya ng pagkakaroon umano ng standard sa taas ng mga tricycle nang sa gayon ay hindi na mahirapan ang mga pasaherong hirap umupo sa mababang upuan at tamang pananamit umano ng mga driver kung saan kailangan ng magsuot ng mga ito ng sapatos, reflectorized vest pagpatak ng alas sais ng gabi, at maging magkaroon na raw sana ng uniporme.
Ang mga tricycle driver naman ay nangako na ang kanilang mga miyembro ay magkakaroon ng consultation meeting tungkol sa mga napag usapan para magkaroon sila ng maayos na transportasyon.
Kaya naman sa pag-uusap na ito, siniguro ng Sangguniang Bayang ng Bayambang na ang ilalabas na bagong ordinansang naglalaman ng ilan sa mga pagbabago sa Memorandum Order No. 08 s. 2022, o “An Ordinance Prescribing the New Tricycle Fare Rates of 2022 of the Municipality of Bayambang, Pangasinan,” ay nakabase sa pantay na desisyon ng lahat. |ifmnews
Facebook Comments