Ilang isyu sa probisyon, posibleng dahilan ng pagpapalawig ng suspensiyon ni Pangulong Duterte sa VFA

May mga isyu pa na dapat pag-usapan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito ang nakikitang dahilan ng security analyst na si Professor Rommel Banlaoi Matapos na palawigin pa ni Pangulong Duterte ang suspensiyon sa Visitiong Forces Agreement ng dalawang bansa.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Banlaoi na kung hindi na papalawigin pa ang suspensiyon sa VFA ay posibleng mauwi na ito sa terminasyon ng kasunduan na magkakaroon naman ng epekto sa parehong panig.


Kasunod nito, naniniwala si Banlaoi na dapat magkaroon pa rin ng VFA ang Pilipinas at Amerika pero kinakailangang repasuhin ito kagaya ng isyu sa pagpapanagot sa mga amerikanong sundalo na makakagawa ng krimen habang nasa Pilipinas.

Paliwanag ni banlaoi, may ganito rin naman tayong kasunduan sa australia pero walang probisyon na mas pumapabor sa isang bansa.

Facebook Comments