Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa conditional implementation ang ilang probisyon ng 2019 national budget upang matiyak na naaayon ito sa batas.
Ito ay matapos pirmahan ng Pangulo ang pambansang pondo kasabay ng hindi pag-apruba sa 95 billion na halaga ng item.
Ang mga item na sakop ng conditional implementation ay ang sumusunod:
- Allowance at benefits ng mga guro at ang pagbuo ng teaching positions
- Pagtatayo ng evacuation centers
- Pagpopondo sa foreign-assisted projects
- Revolving fund
- Lump-sum appropriations para sa capital outlays
- Financial assistance sa LGUs
- Funding requirements ng foreign service ng bansa
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – patunay lamang na ginagampanan ng Pangulo ang kanyang constitutional duty.
Facebook Comments