Ilang jeep na biyaheng UP Diliman, balik-pasada na bukas

29

Simula bukas, October 31, ay balik-pasada na ang ilang jeep na may biyaheng University of the Philippines – Diliman (UP).

Base sa anunsyo ng pamunuan ng unibersidad, inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bagong amyendang rutang UP-Katipunan, UP-Ikot, at UP-PhilCOA.


Gayunman, limitado lang ang jeepney na papayagang makabiyahe habang pinag-aaralan pa ng UP Diliman management at mga samahan ng mga jeepney operators ang sitwasyon hanggang November 31.

Dating ruta pa rin ang gagamitin naman ng mga jeep na biyaheng UP-SM North, UP Toki, at UP-Pantranco.

Facebook Comments