Police Lieutenant sa Bulacan PNP, sinibak matapos ireklamo ng panghahalay ng nahuling quarantine violator

2228

Sasampahan ng kasong administratibo at kriminal ang pulis na umano’y nanghalay sa isang nahuling quarantine violator sa Bulacan.

Ito ang tiniyak ni Police Regional Office 3 Regional Director BGen. Valeriano De Leon matapos sibakin sa pwesto si PLt. Jimmy Fegcan, miyembro ng San Miguel Police Station, Bulacan Police Provincial Office.


Siya ay inireklamo ng isang 24-anyos na babae dahil sa panghahalay sa loob ng barracks ng istasyon noong madaling araw ng October 28.

Ayon kay BGen De Leon, pansamantalang nakakulong ang suspek sa San Miguel MPS habang hinihintay ang inquest proceedings dahil sa paglabag ng Republic Act No.8353 o Anti- Rape Law.

Giit ni De Leon, determinado ang Philippine National Police (PNP) na linisin ang mga “bad eggs” sa kanilang hanay, batay na rin sa programa ni PNP Chief PGen. Camilo Cascolan na “Pulis Ko’y Respetado, Responsble at Disiplinado.”

Facebook Comments