Ilang jeep sa southern part ng Metro Manila, patuloy pa rin na pumapasada sa kabila ng transport strike ng PISTON at MANIBELA ngayong araw

Patuloy pa rin sa pagbiyahe ang ilang pampasaherong jeep sa southern part ng Metro Manila kahit pa nagpapatuloy ang ikinasang malawakang transport strike ng PISTON at MANIBELA.

Ayon kay Noel Villanueva ng Universal Transport Group na biyaheng Cavite at Baclaran, wala umanong mangyayari kung sasama pa sila sa tigil-pasada.

Sila lamang naman daw ang mahihirapan dahil wala silang kikitain sa buong araw.


Hindi rin nila gusto pa ng aberya at kaguluhan sa kalsada dahil sa hirap na nararanasan ng mga pasahero sa araw-araw na pagsakay.

Sa ngayon, normal pa ang biyahe na nararanasan sa bahagi ng Pasay, Taguig, Muntinlupa at Parañaque, nakaantabay pa rin naman ang mga libreng sakay ng local government units (LGUs) para umalalay sa mga pasahero na posibleng maapektuhan ng tigil-pasada.

Facebook Comments