
Puspusan ang pagpaparehistro ng mga taga-Ditrict 1 ng Quezon City sa SM North – Interior Zone ngayong Sabado, May 16 para makaboto sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Election.
Karamihan sa mga pumila, ay unang beses pa lang na magpaparehistro habang ang iba naman ay pumunta para magpalipat ng registration record.
Ayon sa mga nakapila, komportable naman sila lalo’t hindi siksikan at hindi rin mainit dahil air conditioned ang nasabing site.
Samantala, excited naman ang ilang kabataang bumoto para magkaroon na umano sila ng boses at karapatang pumili ng iluluklok sa pwesto sa kanilang barangay
Facebook Comments
