
Magsasagawa ng misa para sa kapayapaan at pananagutan ang Tindig Pilipinas alas-12pm bukas, May 17 sa loob ng EDSA Shrine.
Ito umano ay para magkaisa ang publiko sa pagdarasal at kolektibong aksyon sa ipinanawagan nilang katotohanan, kapayapaan, at proteksyon sa democratic institutions sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa.
Kasama ng Tindig Pilipinas ang iba’t ibang faith-based groups, civil society organizations, sectoral formations, at iba pa sa nasabing misa.
Samantala, magkakaroon muna ng solidarity program ng alas-10am sa labas ng EDSA Shrine bago simulan ang nasabing misa.
Facebook Comments










