Ilang Kabataang Santiagueño, Sumailalim sa Libreng Tuli

17

Cauayan City, Isabela- Nasa tatlumpung (30) kabataan mula sa iba’t ibang barangay ng Santiago City ang sumailalim sa libreng tuli ng lokal na pamahalaan ng Santiago sa pangunguna ng City Health Office.

Inaabisuhan naman ng CHO ang iba pa na nais magpatuli ay mangyaring magparehistro sa kani-kanilang barangay para maitala ito.


Upang masigurong mapoproteksyunan mula sa anumang sakit ang mga nagpatuli ay nagkaloob ng antibiotic ang tanggapan habang nagbigay ng dagdag kaalaman ang mga medical staff upang maiwasan ang anumang posibleng impeksyon.

Inaasahang madaragdagan pa ang nasabing bilang ng mga nagpatuli.

Facebook Comments