Dating Vice President Jejomar Binay, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya Aquino sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino

Nagpa-abot ng pakikiramay sa pamilya Aquino si dating Vice President Jejomar Binay sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sa isang statement, sinabi ni Binay na bagama’t nagkaroon siya ng hindi pagkakaunawaan kay dating Pangulong Noynoy sa nalalabing panahon nito noon sa pagkapangulo, hindi naman nabawasan ang nabuong pakikipagkaibigan sa pamilya Aquino.

Magugunita na si Jejomar Binay ang nagprotekta kay PNoy at sa kaniyang mga kapatid sa Times Street noong pumutok ang EDSA People Power Revolution.


Pinutol ni Binay ang ugnayan nito kay President Aquino noong kasagsagan ng Senate investigation sa umano’y maanomalyang proyekto noong mayor ito ng Makati City.

Facebook Comments