ILANG KAINAN SA PANGASINAN, SINIGURO ANG LIGTAS NA PAGGAMIT NG BUTANE GAS KASUNOD NG INSIDENTE NG PAGSABOG SA DAGUPAN CITY

Nagbigay ng katiyakan ang ilang kainan sa Pangasinan hinggil sa ligtas na paggamit ng butane gas kasunod ng naitalang pagsabog ng butane gas stove sa isang establisimyento sa Dagupan City na kinasugatan ng ilang kabataan.

Ayon sa pamunuan ng isa sa mga dinarayong kainan sa bayan ng Lingayen, mahigpit nilang ipinatutupad ang mga itinakdang safety procedures upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga customer.

Kabilang sa kanilang mga hakbang ang regular na inspeksyon ng butane stoves, tamang pag-install at paggamit ng butane cans, at ang pagsasanay sa mga kawani sa wastong paghawak ng mga kagamitan.

Isinasagawa rin ang masusing safety inspection bago magsimula ang araw-araw na operasyon ng kanilang mga establisimyento.

Sa kabila ng pangamba, nanawagan ang ilang kainan sa publiko na manatiling kalmado at magtiwala sa mga sumusunod sa tamang pamantayan sa kaligtasan.

Samantala, nagsagawa na rin ng inspeksyon ang Bureau of Fire Protection sa kainan kung saan naganap ang insidente, na kasalukuyang nasa ilalim ng pansamantalang pagsasara para sa maintenance ng kagamitan at imbentaryo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments