ILANG KAKALSADAHAN SA MANAOAG, ISINAAYOS

Isinaayos at pinatungan ng aspalto ang ilang mga kakalsadahan sa bayan ng Manaoag kung saan may mga butas na at lubak-lubak na para daanan ng mga motorista.
Ang pagsasagawa ng lokal na pamahalaan na ito ay malaki umano ang naibigay na ginhawa sa mga motorista lalo na sa ilang pangunahing kalsada sa bayan tulad sa Barangay Baritao at Sitio Madriaga sa Pantal.
Naisakatuparan naman ito sa pamamagitan ng direktiba ng alkalde katuwang naman ang Municipal Engineering Office at Municipal Planning and Development Office.

Mula naman sa Excise Tax Fund para sa taong 2023 ang pagsasakatuparan sa isinagawang preventive maintenance project na ito ng LGU. |ifmnews
Facebook Comments