TULONG PANGHANAPBUHAY, HANDOG SA ILANG DAGUPEÑOS

Handog sa kwalipikadong mga Dagupeños ang tulong panghanapbuhay mula sa Department of Labor and Employment o ahensyang DOLE at karagdagang pondo mula sa LGU Dagupan.
Nasa tatlumpong mga stallholders ang inaasahang makakatanggap ng nasabing tulong para sa kanilang uumpisahang mga negosyo.
Mula naman sa Barangay Bonuan, sa Gueset, Boquig at Binloc ang mga residenteng magiging benepisyaryo ng nasabing programa.

Samantala, nakatakdang umpisahan ng mga ito ang kanilang itatayong negosyo sa bahagi ng Tondaligan Beach. |ifmnews
Facebook Comments