Ilang kalsada at istraktura, napinsala ng lindol sa Eastern Samar

Photo courtesy: Antit Francis Nacario

Napinsala ang ilang kalsada, municipal hall at ilang mga simbahan matapos ang magnitude 6.5 na lindol na tumama sa Eastern Samar kahapon.

Ayon kay San Julian information officer Irene Consultado, nagkaroon ng kaunting bitak ang municipal building at may pinsala rin sa San Julian Church.

Bumagsak naman ang imahe mula sa Sanctuario ng Diocese of Borongan at maging pader ng simbahan.


Sabi ni Consultado, napinsala rin ang ilang mga tulay sa Barangay Pagbabangnan at Barangay Casoroy pero walang ulat ng pagguho.

Sa sulat, Eastern Samar naman, ilang bahagi ng pader at pintuan ng St. Ignatius of Loyola Parish ang napinsala rin ng lindol.

Facebook Comments