BuCor, pinatigil ang mandatory na strip at cavity search sa lahat ng kanilang bilangguan kasunod ng reklamo ng maybahay ng PDLs

Ipinatitigil na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mandatory strip at cavity search sa lahat ng kanilang prison at penal farms.

Ito ay matapos na magreklamo sa Commission on Human Rights (CHR) ang dalaw ng ilang PDLs sa pagpapahubad sa kanila ng damit kabilang na ang underwear.

Sinibak na rin ng pamunuan ng BuCor ng kanilang pitong personnel na sangkot sa insidente.


Ini-imbestigahan na rin ng BuCor ang protocol na ito sa mga dalaw sa prison at penal farms.

Facebook Comments