Ilang kalsada at tulay, hindi pa rin madaanan dahil sa pinsalang tinamo dulot ng Bagyong Karding

Nasa walong kalsada at 10 tulay pa rin ang hindi madaanan ng mga motorista dahil sa pinsalang tinamo bunsod nang pananalasa ng Bagyong Karding.

Sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 4 na daan mula sa Region 3, 2 mula sa CAR at tig-1 sa Region 2 at CALABARZON ang hindi pa rin passable.

Kabilang dito ang Kennon Road, Cabagan-Sta. Maria Overflow Bridge, Nueva Ecija-Aurora Rd., Baliwag-Candaba Rd., at Hamtic Bia-an-Egaña-Sibalom Rd. sa Antique.


Samantala, 10 tulay sa Region 2 ang hindi pa rin madaanan.

Kasunod nito, iniulat ng NDRRMC na ilang kalsada at tulay ang passable na ngayon makaraan ang ilang araw na ito ay sarado sa mga motorista.

Kabilang dito ang walong daan mula sa Region 2, lima sa CAR, tatlo sa Region 5, isa sa CALABARZON, at limang tulay mula sa Region 2.

Kaugnay nito, umaabot na sa P135-M ang halaga ng pinsala sa imprastraktura dahil pa rin sa pananalasa ng Bagyong Karding.

Facebook Comments