Director Andolong ng DND, nagpositibo sa COVID-19

58

Tinamaan ng COVID-19 si Dir. Arsenio Andolong ang Communications Service Chief ng Department of National Defense (DND).

Si Director Andolong ay kasalukuyang naka-quarantine.

Nabatid na mayroong sintomas ng virus si Andolong pero dahil siya ay fully vaccinated at boosted, kung kaya’t mild lamang ang kanyang sintomas.


Sa ngayon, inoobserbahan na rin ang mga nakahalubilo ng opisyal nitong mga nakalipas na araw.

Facebook Comments