Ilang kalsada malapit sa National Museum na pagdarausan ng inagurasyon ni BBM, isasara ayon sa PNP

Isasara ang ilang kalsada malapit sa National Museum of the Philippines ang lugar na kung saan gaganapin ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa June 30.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Directorate for Operations Director Maj.Gen. Valeriano de Leon, ang plano nila ay sampung araw bago ang pagsasara ay maglalabas na ng advisories sa mga motorista.

Habang limang araw bago ang June 30 ay isasara na ang ilang kalsada malapit sa National Museum.


Ito aniya ang mga maid road na patungong National Museum at ilang main road patungo sa Palasyo ng Malacañang.

Kaugnay nito umaasa naman si De Leon na magdedeklara nang holiday ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa June 30 para masaksihan ang historic inauguration at para na rin hindi maabala ang mga papasok sa trabaho o ang mga may mahahalagang lakad sa umaga ng June 30 dahil sa mga isasarang kalsada.

Inaasahan din ng PNP na dadagsa ang mga raliyista sa Liwasang Bonifacio kaya mas maiging magdeklara ng holiday ang lungsod ng Maynila.

Facebook Comments