Mahigit 100 na aplikante, na-hire on the spot sa pag-arangkada ng Radyo Trabaho sa Mega Job Fair sa Cuneta Astrodome sa Pasay City

43

Umakyat na sa130 na mga aplikante ang mapalad na na-hire on the spot sa isinagawang Mega Job Fair sa pag-arangkada ng Radyo Trabaho ng DZXL ngayong araw sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Humigit-kumulang 1,000 trabaho mula sa 50 mga lumahok na mga employer ang nagbigay serbisyo para sa mga aplikante na dumagsa sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi-Calixto Rubiano, ikinarangal nito na nakiisa at sumuporta ang Radyo Trabaho sa isinagawang Mega Job Fair kung saan kabilang sa mapagpipiliang trabaho ang office staff, seaman, call center at marami pang iba.


Paliwanag ng alkalde mahigit sa 580 ang dumagsa at lumahok sa isinagawang Mega Job Fair kung saan mahalagang hakbang umano ito tungo sa pagbangon ng pagnenegosyo at ekonomiya sa lungsod na mahigit dalawang taon nang nakatengga.

Facebook Comments