Ilang kalsada sa Intramuros, isasara kaugnay ng Semana Santa

Manila, Philippines – Nakatakdang isara ang ilang kalsada sa Intramuros, Maynila sa paparating na Semana Santa.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), isa ang Intramuros sa mga sentro ng taunang Holy Week activities, kung saan libu-libo ang inaasahang dadalo.

Isasara ang Gen. Luna Street at mga kalsadang nasa intersection nito gaya ng Real at Beaterio Street para sa mga gaganaping Stations of the Cross sa General Luna Street.


Bubuksan din sa publiko ang 9 na simbahan at chapel para sa Visita Iglesia kabilang ang Manila Cathedral, San Agustin Church, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila Chapel, Mapua Chapel at Bureau of Internal Revenue (BIR) Chapel.

Magsisilbi namang parking space ang Murrala Street at mga daan sa paligid ng Intramuros, kabilang na ang Padre Burgos Drive at Bonifacio Drive.

Kasabay nito, nagpaalala ang DOT na huwag mag-iiwan ng basura sa mga bibisitahing simbahan o parke at pumarada lang sa tamang lugar.

Facebook Comments