Ilang kalsada sa kahabaan ng Roxas Boulevard papuntang Buendia, isasara dahil sa paghahanda sa gaganaping ASEAN Summit

Manila, Philippines – Paalala sa mga motorista, pansamantalang isasara bukas (October 8) ang ilang kalsada sa kahabaan ng Roxas Boulevard papuntang Buendia.

Ayon sa Metro Manila Development Authority ito ay bilang bahagi ng paghahanda sa 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit na idaraos sa bansa sa susunod na buwan.

Kabilang sa isasara mula alas-dos ng hapon hanggang alas-nueve ng gabi ang CCP complex na deklarado bilang ASEAN delegates zone.


Ganun din ang kahabaan ng Roxas Boulevard southbound mula P. Burgos Street papuntang Buendia para bigyang daan ang ensayo ng mga sasali sa parade at landmark lighting.

Samantala, sarado rin ang southbound lanes ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), North Luzon Expressway (NLEX) at EDSA mula alas-sais ng umaga hanggang alas-diyes ng umaga.

Inaasahang tatahakin ng convoy ang Pampanga na dadaan sa SCTEX, NLEX at 2 innermost lanes ng EDSA, kasama din ang Skyway patungong Conrad hotel.

Ipapatupad naman ng PNP ang stop-and-go scheme habang dumaraan ang VIP at ASEAN delegates.

Facebook Comments