Manila, Philippines – Ilang kalsada sa lungsod ng Maynila ang isasara ngayong araw bilang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.
Sa abiso ang Manila Police District (MPD), hindi madaraanan ng mga motorista simula alas-5 ng madaling araw ang north at southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang Pres. Quirino Avenue.
Sarado rin ang parehas na north at southbound lane ng Roxas Boulevard Service Road mula TM Kalaw Avenue hanggang Pres. Quirino Avenue.
Magpapatupad din ng “no truck entry” simula alas-5 ng madaling araw sa Roxas Boulevard mula corner Pres. Quirino Avenue hanggang Katigbak Drive.
Gayundin din sa Bonifacio Drive mula Anda Circle papuntang Katigbak Drive at pati na rin sa Pres. Quirino Avenue extension sa may Plaza Dilao.
Pinaalalahanan naman ng pulisya ang mga motorista sa mga itinakdang alternatibong ruta.
Para sa mga motoristang daraan sa Bonifacio Drive sa may southbound lane ng Roxas Boulevard kaliwa sa P. Burgos, kanan sa Ma.Orosa, o dumeretso sa Finance Road.
Sa mga papuntang westbound ng Kalaw Avenue dumaan sa southbound lane ng Roxas Boulevard at kumanan sa MH del Pilar.
Sa daraan sa northbound lane ng Roxas Boulevard ay kumanan Pres. Quirino.
Para sa mga trak at trailer trucks na babaybayin ang Bonifacio Drive na dadaan sa southbound lane ng Roxas Boulevard, umikot sa Anda Circle papuntang northbound ng R10 saka kumanan sa Capulong.
Sa dadaan sa northbound lane ng Roxas Boulevard ay kumanan sa Pres. Quirino Avenue.
Sa mga daraan sa Pres. Quirino Avenue extension papuntang UN Avenue, dumeretso sa Pres. Quirino Avenue papuntang nagtahan.
Ipinagbabawal rin ang pagpapalipad ng kahit anong drone sa bahagi ng embahada ng Estados Unidos at lugar kung saan idaraos ang pagdiriwang.
Samantala, suspendido ang number coding ngayong araw, kasabay ng Araw ng Kalayaan.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, dahil ang June 12 ay deklarang regular holiday, hindi iiral ang number coding.
Payo naman ni Lim sa mga motorista lalo na kung may balak magbakasyon na planuhin ng maaga ang kanilang biyahe para hindi maipit sa traffic.
Samantala, suspendido din ang number coding sa Makati City at Las Piñas City ngayong araw.