Ilang kalsada sa Maynila, sarado ng 3 araw sa Setyembre dahil sa Bar Exams

Naglabas ng traffic advisory ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga isasaradong kalsada sa September 8, 11 at 15.

Ito ay dahil sa isasagawang 2024 Bar Examinations sa bahagi ng Mendiola malapit sa San Beda University.

Sa abiso ng Local Government Unit (LGU), sarado ang parehong lane ng kahabaan ng Mendiola mula Peach Arch patungong Malacañang Gate mula alas-2:00 ng madaling araw hanggang alas-7:00 ng gabi.


May road closure din sa parehong lane ng Concepcion Aguila Street o mula Mendiola Street kanto ng Jose Laurel Street sa kaparehong oras.

Inabisuhan naman ang mga motorist ana humanap ng alternatibong ruta habang umiiral ang Bar Exams.

Facebook Comments