Ilang kalsada sa Metro Manila, isasara para sa road repairs ng DPWH

Manila, Philippines – Magsasagawa ng road repairs sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ang Department of Public Works and Highways ngayong “long weekend”.

Mag-uumpisa ang road reblocking at repairs mamayang alas-diyes ng gabi at matatapos alas-singko ng umaga sa Lunes.

Kabilang sa mga lugar na may road repairs ay ang mga sumusunod:
Sa northbound:
– McArthur Highway malapit sa Monumento Circle, Caloocan City
– P. Garcia Avenue malapit sa E. Jacinto Street, at pagitan ng Velasquez at Alley, Quezon City
– Luna Road, mula sa east avenue hanggang Kalayaan Avenue, Quezon City
– Manila East Road sa harap ng SM East Ortigas, Pasig City
– at Quirino Highway Corner La Mesa Dam Road, Quezon City


Sa southbound:
– Bonifacio Avenue, sa pagitan ng Mauban Street hanggang Dome Street, Quezon City (second lane)
– C-5 Road malapit sa Julia Vargas, Pasig City
– Rodriguez Jr. Avenue bago mag-Green Meadows, Quezon City (truck lane)
– at Rodriguez Jr. Avenue, pagkalagpas ng Boni Serrano Flyover, Quezon City (truck lane)

Samantala, isasara naman sa mga motorista sa Sabado ng gabi hanggang linggo ng umaga ang Roxas Blvd. mula sa P. Ocampo street hanggang Katigbak drive para sa gagawin fun run event.

Abiso ng MMDA sa mga motorista, maghanda sa posibleng mabigat na traffic sa mga nasabing lugar.

Facebook Comments