Ilang kalsada sa Metro Manila, makararanas ng mabigat na daloy ng trapiko bunsod ng 55th Asian Development Bank Annual Meeting

Photo Courtesy: MMDA

Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na asahan ang ilang traffic disruptions sa ilang pangunahing kalsada at maliit na kalye sa susunod na linggo.

Bunsod ito ng isasagawang 55th Asian Development Bank (ADB) Annual Meeting sa Ortigas Center sa Mandaluyong City mula September 26 hanggang 30.

Ayon kay MMDA acting chair Carlo Dimayuga III, walang isasarang daan sa limang araw na meeting pero asahan ang mga pagtigil bigla ng trapiko sa bahagi ng Ortigas at ibang ruta.


Kabilang sa mga apektadong kalsada ay ang EDSA mula Magallnes hanggang Ortigas, Julia Vargas, ADB Avenue, San Miguel Avenue, Guadix Drive, Bank Drive at Saint Francis Street.

Dagdag pa rito, magkakaroon ng ADB Special Lane sa kahabaan ng Saint Francis at Bank Drive upang magbigay-daan sa mga delagado sa September 28 at 29 habang pwedeng gamitin ng convoy ang EDSA Busway mula Guadalupe hanggang Oritgas.

Tinatayang nasa 500 kawani ng MMDA ang ipapakalat sa mga dadaanan ng aabot sa 300 delegado ng ADB.

Facebook Comments