Lebel ng tubig sa Angat, nananatiling mababa sa kabila ng mga pag-ulan

62

Nananatiling mababa ang lebel ng Angat Dam sa kabila ng naranasang malalakas na buhos na ulan nitong mga nakaraang araw.

Ayon sa PAGASA, nasa 176.16 meters ang water level ng Angat as of 6AM kahapon, September 19.

Mas mababa ito sa minimum operating level ng 180 meters at malayo sa normal high water level na 210 meters.


Dagdag pa ng state weather bureau, hindi naging sapat ang ulang dala ng Habagat at ng mga localized thunderstorms upang punan ang kakulangan ng tubig sa dam.

Facebook Comments