Ilang kalsada sa Metro Manila, pansamantalang isasara sa mga motorista ngayong weekend

Ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang lingguhang road repair schedule sa EDSA, C-5, at sa Quezon City.

Ayon kay DPWH National Capital Regional Director Nomer Abel Canlas, sisimulan ang pagkukupuni ng mga kalsada mamayang alas-11:00 ng gabi.

Sakop nito mga sumusunod na road segment ng EDSA Northbound:


• bahagi ng Santolan MRT Station, bus lane;
• P. Tuazon flyover hanggang Aurora Tunnel, ikatlong lane mula sa center island (fast lane);
• Aurora Boulevard hanggang New York Street, ikatlong lane mula sa center island (intermittent section);
• at Kamuning Road at Kamias Road hanggang JAC Liner Bus Station, sa tabi ng center island sa Quezon City.

Itutuloy rin ang pagsasaayos sa EDSA Southbound, mula sa Balingasa Creek hanggang Oliveros Footbridge sa Quezon City, habang pansamantala ring isasara sa mga motorista ang ikalawang lane ng C-5 Southbound sa Makati City.

Aayusin din ang ilang kalsada sa Quezon City, kabilang ang:

• Quirino Highway, bago ang Manila North Diversion Road (MNDR) Flyover, ikalawang inner lane;
• Cloverleaf patungong NLEX Northbound;
• at Cloverleaf patungong NLEX Southbound.

Muli namang bubuksan ang mga naturang kalsada bandang alas-5:00 ng umaga sa Lunes, Hulyo 18.

Facebook Comments