Dating finance Secretary Roberto de Ocampo, tiwala sa mga ginagawang hakbang ni PBBM sa pagpapa-unlad ng ekonomiya sa bansa

73

Tiwala si dating Department of Finance (DOF) Secretary Roberto de Ocampo sa mga ginagawang hakbang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para magtuloy-tuloy ang takbo at sigla ng ekonomiya sa bansa.

Ayon kay De Ocampo, nakikita niya ang pagsusumikap ng administrasyong Marcos para matiyak ang trabaho para sa mga Pilipino sa gitna na rin nang paghahanap ng mga paraan upang hindi gaanong tumaas ang presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo.

Kasunod nito, sinabi rin ni De Ocampo na pabor siya sa hakbangin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na makontrol ang money supply o supply ng piso para bumaba ang halaga nito.


Dagdag pa ni De Ocampo, kung tutuusin ay mas malala pa ang sitwasyon sa Amerika at hindi dapat gayahin ng bansa ang anumang hakbangin ng Estados Unidos.

Facebook Comments