Ilang kalsada sa paligid ng National Museum, isasara na mamayang hatinggabi para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos

82

Simula mamayang hating gabi ay isasara na ang ilang kalsada sa paligid ng National Museum, bilang paghahanda sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos sa June 30.

Kabilang sa mga isasara ang Finance Road at Padre Burgos Avenue.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Directorate for Operations Director Maj. Gen. Valeriano de Leon, simula sa Lunes, June 27 ay magiging epektibo na rin ang gun ban na tatagal hanggang Hulyo 2.


Aniya, dalawang araw bago ang inagurasyon ay pagaganahin din ang Task Force Manila Shield para masiguro ang maximum security sa araw ng inagurasyon.

Posible pa aniya itong mapaaga depende sa sitwayson.

Facebook Comments