Colombia, nakapagtala ng unang tatlong kaso ng monkeypox virus

52

Nakapagtala na ang Colombia ng unang tatlong kaso ng monkeypox virus.

Ayon sa health ministry ng Colombia, ang mga naturang kaso ay galing sa Europa at sa ngayon ay nasa quarantine facility na ang mga ito.

Dalawa sa mga kaso ay natagpuan sa kabisera ng Bogota, habang ang isa ay natagpuan sa ikalawang lungsod ng Colombia, Medellin.


Karaniwang sintomas ng monkeypox virus ay lagnat, pantal at pananakit ng likod at kalamnan at iba pa.

Unang naitala ang nasabing sakit sa Latin America sa Argentina na sinundan ng Brazil, Mexico, Venezuela at Chile.

Facebook Comments