Nagbigay paalala ang Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa ilang mga kalsada na isasara para bigyang daan ang Bambino Festival Parade o Pyesta ni Sto. Nino de Pasig sa lungsod sa Linggo, January 19, 2020.
Sa abiso ng Pasig City Information Office, isasara sa daloy ng traffic ang sumusunod na mga kalsada:
Road 1 & 2 – 11:00AM onwards
Caruncho Ave., westbound – 12:00NN onwards
M.H. Del Pilar St. – 2:00PM onwards
- Angeles St. – 3:00PM onwards
Dr. Pilapil St. – 3:00PM onwards
Dr. Sixto Antonio Ave. (Kapasigan) – 4:00PM onwards
- Mabini St. – 4:00PM onwards
Plaza Rizal Intersection – 4:00PM onwards
- Burgos St. – 4:00PM onwards
Dr. Garcia St. – 4:00PM onwards
- Jabson St. (Bambang & Malinao) – 4:00PM onwards
Bilang gabay sa mga motorista, naglabas na rin ng traffic re-routing ang lokal na pamahalaan para maging alternatibong daan ng mga motorista.
Mangyari lamang na bisitahin ang kanilang website o official page sa facebook para sa mga alternate-route.