Ilang kalsada sa Valenzuela, matagal na isasara dahil sa road at drainage projects

Matagal na isasara ang ilang kalsada sa Valenzuela City dahil na rin sa isasagawang road at drainage rehabilitation project.

Simula bukas, November 9 hanggang December 2 ay sarado sa mga motorista ang A. Marcelo Street sa Barangay Dalandanan.

Pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan muna sa C. Santiago Street hanggang de Zafra Street at vice versa.


Samantala, simula bukas din hanggang November 18 ay sarado sa mga motorista ang Esteban North Street, corner G. Lazaro Street sa parehong barangay.

Maaaring dumaan sa alternatibong ruta sa Tiwala Street hanggang J. Martin Street o kaya ay dumaan naman sa A. Santos Street papuntang Pasolo Road at vice-versa para makarating sa mga destinasyon.

Facebook Comments