Ilang kamag-anak ng OFW, hindi ramdam ang mataas na palitan ng piso kontra dolyar dahil sa mataas na presyo ng bilihin

Ikinatuwa ng ilang kamag-anak ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pagpalo ng ₱56.77 ang palitan ng piso kontra dolyar noong September 2.

Mula kasi sa higit ₱5,400 pesos na matatanggap kapag pinalit ang 100 US dollar sa piso ay umaabot na ito sa higit ₱5,600.

Ngunit umaaray naman ang mga ito sa mataas na presyo ng mga bilihin.


Kaugnay nito ay inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magpapatuloy ang inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo hanggang 2023.

Mababatid na ito na ang pinakamahinang palitan ng piso kontra dolyar sa nakalipas na 18 taon kung saan nahigitan ang ₱56.45: 1 US dollar noong October 14, 2004.

Facebook Comments