Calaca, Batangas, isa nang ganap na siyudad

Iprinoklama na bilang siyudad ang Calaca, Batangas na dating first class municipality.

Kasunod ito ng isingawang plebisito sa ngayo’y lungsod kung saan 29,424 ang bumoto ng YES habang 3,781 lamang ang nagsabi ng NO.

Dahil dito, inanunsyo ng municipal plebiscite board of canvassers noong Sabado ang pormal na pagproklama sa Calaca bilang lungsod.


Mababatid na pinirmahan noong May 26, 2021 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11544 o ang Charter of the City of Calaca.

Ito na ang ika-limang lungsod sa lalawigan ng Batangas at ang unang lungsod naman sa unang distrito nito.

Facebook Comments