Ilang kandidato, patuloy na dumaragsa sa Comelec para sa withdrawal at substitution kaugnay ng halalan sa susunod na taon

Patuloy ang pagdagsa sa Comelec ng ilang kandidato para sa withdrawal at substitution para sa eleksiyon 2022.

Isang kandidato ng Lakas-CMD sa pagka-senador ang naghain ng withdrawal sa kanyang kandidatura

Ito ay sa katauhan ni Marianito Roque na una nang nagsumite ng COC noong Oct 08


Hindi naman binanggit ni Roque kung sino ang papalit sa kanya pero sa inihain niyang certificate of withdrawal, inilagay niya ang pangalan ni Silvestre Bello III bilang kahalili.

Aniya, nagdesisyon siyang umatras sa kandidatura dahil alam niyang mahihirapan siya sa pagkampanya bunga ng pandemya at dahil na rin usapin na rin ng campaign fund.

Samantala, dumating din ang mga kinatawan ng AnaKalusugan partylist para iwithdraw ang pangalan ng kanilang ikatlo hanggang ikalimang nominado at palitan ng tatlong bagong pangalan

Bumalik naman sa Comelec ngayong araw ang Malasakit partylist para tapusin ang proseso ng withdraw at substitution ng ilan nilang nominado

Samantala, si dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC Spokesman Antonio Parlade Jr., na kilala sa red tagging controversy ay naghain naman ng substitution kay Katipunan ng Demokratikong Pilipino o KDP Presidential Candidate Antonio Valdes.

Facebook Comments